Lunes, Agosto 15, 2011

Mahal ko si Besfriend ( Series Part 2 )


Maaga akong nagising ngayon dahil simula na ng pasukan, sinadya ko talaga ito dahil ayokong ma late sa unang araw ko, at siyempre excited din ako sa mga bago kong makikilala.Sinigurado ko na maayos ang aking susuotin sa araw na iyon at siyempre nag ayos din ako sa sarili ko para naman mabago ang aking itsura. Umalis ako ng bahay kalahating oras bago ang simula ng flag ceremony. Ginawa ko ito para naman mahanap ko ang aming pila bago pa man magsimula ang seremnya, dahil ayoko nang naghahanap ng pila lalo na kung masyadong marami ng tao.
Pagkadating na pagkadating ko palang sa school, agad akong nag punta sa ground para magtanung-tanong kung saan ang pila ng Section naming. Dahil na rin sa pagtatanung-tanong sa ibang estedyante, natunton ko na rin sa wakas ang aming pila, mukhang mababait naman ang aking mga bagong kamag-aral kaya nagpakilala na agad ako sa kanila. Malugod naman nila tinaggap ang aking pagpapakilala sa kanila.
Ang lima sa kanila ay nagging ka-close ko agad at nakilala ko sa mga pangalang Jane Albarez, Kyle Espina, Jericha Sebastian, Kurt Tienen, at Kervin DeGuzman. Silang lima ang pinaka una kong nagging magkaibigan dahil batid nila at batid ko ring mababait sila. Sa unang araw pa lamang ng klase naka-close ko kaagad ang halos buong klase dahil na rin siguro sa “friendly” daw ako.
Natapos ko ang isang buong araw na kapiling ang aking mga bagong kaklase, tuwang-tuwa ako dahil kakasimula ko pa lamang sa sa bago kong pinapasukan ay ang dami-dami ko na kaagad na kaibigan. Buong gabi akong nagmumuni-muni dahil sa mainit na pagtanggap sa akin ng aking bagong mga kamag-aral, sana ay hindi magbago ang kanilang pagtingin sa akin. Bumaba na ako mula sa aking silid at dumiretso sa kusina para mag hapunan. Dahil wala pa sa aming tahanan ang aking mga magulang ako nalang muna mag-isa ang kumain, din a ako nahirapan pa dahil may nakahain na sa mesa pagkadating ko kaya ayun nalang ang kinain ko para sa hapunan.
Matapos akong makakain, nag shower muna ako bago ako tumuloy sa aking kuwarto para naman medyo presko sa pakiramdam  habang gumagawa ako n gaming mga takda.
Habang nagsusulat ako, may isa akong taong napansin sa aming klase, isang tahimik at magandang babae, sa pagkakaalam ko, siya ay nagngangalang Kyla Martinez. Sa sobrang ganda niya, agad akong nagkaroon ng paghanga sa kanya, hindi lang yun ang dahilan kung bakit ko siya hinahangaan, mabait din daw siya, sabi sa akin ni Jericha.
Maaga kong natapos ang aking mga takda sa araw na iyon kaya binuksan ko muna ang computer para mag facebook, noong araw na iyon, napansin ko nalang sa aking account na napakarami ang nag send ng friend request sa akin, ng akin itong buksan, nakita kong ang aking mga bagong kamag-aral ang nag send sa akin ng mga iyon. Na accept ko naman kaagad sila kaya nagkaroon muna kami ng iba ko pang kaklase ng panmahon para mag-usap noong araw na iyon.

Mahal ko si Besfriend ( Series Part 1 )


Minsan, sa ating buhay, naranasan na natin ang magmahal. Napakasaya kung ito’y ating muling aalalahanin. Ang tawanan, harutan, at ang paglalambingan sa isa’t-isa. Tila walang ng problemang kakaharapin pa kung ikaw ay makaranas ng pagmamahal. Subalit, nagkukubli rin sa pagmamahal ang pinaka masakit na madarama mo sa buhay mo, lalo na kung ibinuhos mo ang iyong pagmamahal sa maling tao. Madarama mo ang labis na lungkot at halos gabi-gabi ay napapaiyak ka sa iyong kuwarto sa tuwing naaalala mo ang mga masasayang sandal ng inyong pagsasama.
Ako si Joshua Ramirez, third year high school student sa isang pampublikong paaralan. Naranasang magmahal ng sobra-sobra. At nakaranas din ng sakit. Subalit, ang sakit na iyon ay ginawa kong isang pagsubok na dapat kong malagpasan. Ginawa ko ito upang hindi makulong ang aking puso sa napakadilim na nakaraan ng aking buhay pag-ibig.
Bakasyon pa lamang ay pinag iisipan ko ng kung ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral sa dati kong pinapasukan. Pero sa tuwing dumadapo ito sa aking isipan, tila bumabalik ang sakit na aking nadama noong mag hiwalay kami ni Nicole. Si Nicole ang unang nagpadama sa akin ng isang tunay na pagmamahal, subalit dumating din ang araw na ang pag-ibig na kanyang nadarama para sa akin ay naglaho na lamang.
Dahil sa sobrang sakit na aking nadarama ng mga panahong iyon, napagpasyahan kong isara ang aking puso na muling mag mahal upang hindi ko na muling maranasan ang sakit na aking naranasan noon. Ilang lingo rin ang lumipas bago ko mapagdesisyunang lumipat na lamang ng paaralan upang muli akong makapag simula.
Agad ko itong ipinaalam sa aking mga magulang upang makapaghanda rin sila sa aking gagawing pag lipat ng paaralan. Hindi naman nag tanong ang aking mga magulang kaya hindi ko na rin sa kanila ipinaalam ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumipat ng pinapasukan.
Napabilang ako sa pangkat ng mga pinakamahuhusay sa third year dahil na rin sa average kong 89. Natuwa naman ako dahil kahit na noong panahon na iyon ako lubhang nasaktan, nagawa ko pa ring pagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral kaysa sa sakit na aking nadarama.
Ngayong magsisimula na ang bagong kabanata ng aking buhay, panibagong pakikipagkaibigan, at panibagong pakikisama nanaman sa ibang tao ang aking mararanasan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa lugar na iyon, pero dapat ko itong gawin para na rin sa ikabubuti ng aking sarili. Ito na nga ba ang panahon na makikita ko na ang tunag na pagmamahal o mararanasan ko nanamang muli ang masaktan?